Muling itinaas ng Department of Migrant Workers (DMW) ang alerto ng kanilang mga tanggapan sa Taiwan.
Ito’y kasunod ng pagtamang muli ng Magnitude 6 at 6.3 na lindol sa Hualien County na nasa silangang bahagi ng Taiwan kaninang madaling araw.
Kasunod nito, wala namang Overseas Filipino Workers o OFWs sa lugar ang nasaktan sa lindol batay sa inisyal na ulat ng Pilipino Community at mga pinuno ng Hualien county.
Patuloy namang nakaantabay ang DMW hinggil sa pinakahuling sitwasyon sa Taiwan sa pakikipag-ugnayan sa Manila Economic and Cultural Office (MECO) para magpalabas ng pinakahuling bulletin. | ulat ni Jaymark Dagala