Nagbabala ang Department of Migrant Workers (DMW) sa publiko, lalo na sa mga overseas Filipino worker (OFW) at kanilang pamilya, laban sa mga scam na nagpapanggap na lehitimong investment platforms.
Ayon sa DMW, ang mga scammer na ito ay nambibiktima ng mga OFW sa pamamagitan ng mga mapanlinlang na gawain, gaya ng paggamit ng clickbait at pekeng testimonials mula sa mga kilalang personalidad.
Partikular na binabanggit ng DMW ang isang investment scam na nagngangalang TRADE 13.0 SERAX.
Ang nasabing scam ay hindi rehistrado at lisensiyado ng Securities and Exchange Commission (SEC).
Nag-aalok umano ang TRADE 13.0 SERAX ng mataas na return of investment (ROI) upang maengganyo ang mga OFW na mag-invest ng kanilang pera.
Kaugnay nito, hinihikayat ng ahensya ang mga OFW at kanilang pamilya na mag-ingat sa mga ganitong uri ng scam at siguraduhing bago mag-invest ay rehistrado at lisensiyado ito ng SEC.
Para sa mga nabiktima ng investment scam, maaari mag-report sa SEC hotline na 8818-6047.| ulat ni Diane Lear