Naghatid ng tulong ang Department of Migrant Workers (DMW) sa mga overseas Filipino worker (OFW) na apektado ng malawakang pagbaha sa United Arab Emirates (UAE).
Sa pangunguna ng Migrant Workers Office sa Dubai (MWO-Dubai) at grupo ng mga Pilipinong volunteer nagbigay ng ayuda sa mga apektadong OFW sa Al Wahda sa Sharjah, UAE.
Tinatayng 50 benepisyaryo ang nakatanggap ng relief packs na naglalaman ng tubig, bigas, mga delata, noodles, at hygiene kits.
Bukod dito, namahagi rin ng 300 dirhams o katumbas ng P4,500 sa mga apektado benepisyaryo.
Ayon sa DMW, muling magsasagawa ng relief operation kapag na-finalized na ang listahan ng mga benepsiyaryo.
Matatandaang tatlong mga Pilipino ang kumpirmadong nasawi noong kasagsagan ng pag-ulan at pagbaha sa UAE.| ulat ni Diane Lear