DMW, pinaiimbestigahan na ang pangyayari sa pagkamatay ng dalawang OFWs sa kasagsagan ng pag-ulan at pagbaha sa UAE

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binisita ni Department of Migrant Workers (DMW) Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac ang ama at kapatid ng overseas Filipino worker (OFW) na si Jenny Gamboa sa Bacolor, Pampanga.

Ito ay upang ipaabot ang suporta at tiyakin ang tulong ng pamahalaan sa mga naulilang pamilya.

Si Gamboa ay isa sa tatlong kumpirmadong nasawi sa kasagsagan ng pag-ulan at pagbaha sa United Arab Emirates (UAE) noong nakaraang linggo.

Ayon kay Migrant Workers OIC Hans Leo Cacdac, iniimbestigahan na ng kanilang abogado sa UAE ang pangyayari sa pagkakasawi ni Gamboa at ng isa pang OFW na si Marjorie Saquing.

Duda kasi ang pamilya ng dalawang OFWs sa initial report na dahil umano sa suffocation sa loob ng shuttle bus noong kasagsagan ng pagbaha at pag-ulan sa UAE ang dahilan ng pagkasawi ng mga ito.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang DMW sa mga awtoridad sa UAE upang mapabilis ang imbestigasyon at makakuha ng death certificate at forensic report.

Target din ng ahensya na maiuwi sa Pilipinas ang mga labi ng tatlong nasawing OFWs ngayong linggo. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us