Nagpaalala ang Department of Energy (DOE) hinggil sa umiiral na price freeze para sa Liquified Petrolium Gas (LPG) at kerosene sa mga lugar na kasalukuyan isinailalim sa state of calamity dahil sa out break ng petrussis sa bansa.
Ayon sa DOE kabilang ang lugar ng Iloilo City, probinsya ng Cavite at San Andres, Romblon na lubhang naapektuhan ng naturang sakit.
Dagdag pa ng DOE na hindi pinapahintulutan sa mga nasabing lugar ang paggalaw ng presyo sa nasabing mga produkto sa loob ng labing limang araw liban lamang kung may roll back sa mga presyo nito at hanggat hindi ibinababa ang state of calamity sa mga nabangit na lugar.| ulat ni AJ Ignacio