Hindi pa tiyak ng Department of Energy (DOE) kung magpapatuloy ang rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa mga susunod na linggo.
Ayon sa Energy Department na ito’y dahil sa patuloy na pag nipis ng supply sa OPEC at sa patuloy na tensyon sa Middle East.
Kanilang alas sais ng umaga ipinatupad na ng mga kumpanya ng langis ang tapyas na 95 centavos sa kada litro ng diesel at P1.10 sa kada litro ng kerosene habang dagdag na P0.55 centavos sa kada litro ng gasolina.
Samantala, patuloy naman mino-monitor ng Oil Industry and Management Bureau ang trading sa magiging lagay ng presyo ng petrolyo sa susunod na linggo.| ulat ni AJ Ignacio