Umakyat na sa anim ang naitatala ng Department of Health ( DOH) na namamatay dahil sa heat stroke o matinding init ng panahon.
Ayon kay Dr. Albert Domingo, tagapagsalita ng DOH, ang mga namatay ay nagmula sa Central Visayas, Ilocos Region, at Soccskargen.
Pumalo naman sa 34 na mga heat-related illness ang naitala ng DOH mula January 1, 2024 hanggang sa kasalukuyan.
Pero mas mababa pa rin daw ito kung ikukumpara sa datos noong 2023 na umabot sa 513.
Muling nagpaalala si Dr. Albert Domingo sa publiko na iwasan ang masyadong magbabad sa init ng panahon upang maiwasan ang anumang sakit. | ulat ni Mike Rogas