Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer ukol sa mga patakaran sa sahod para sa mga manggagawa sa pribadong sektor sa papalapit na Labor Day sa May 1.
Ayon sa inilabas na Labor Advisory 6 ng kagawaran, ang mga empleyado na magtatarabaho sa ika-1 ng Mayo ay may karapatan sa 200 porsyento ng kanilang basic pay para sa unang walong oras. May karagdagan namang 30 porsyento para sa bawat oras ng overtime.
Ang mga hindi magtatrabaho sa Araw ng Paggawa ay makatatanggap ng 100 poryento ng kanilang sahod kung sila ay magre-report sa trabaha o naka-leave of absence with pay bago ang holiday.
Dagdag pa rito, kung ang Labor Day ay sasabay sa araw ng pahinga ng empleyado at ito ay magtatrabaho sa nasabing araw, may karapatan ang mga ito sa dagdag na 30 porsyento ng 200 porsyento ng kanilang basic pay at dagdag na 30 porsyento sa bawat sosobrang oras.
Samantala, magsasagawa naman ng simultaneous nationwide job fair sa May 1 ang DOLE kung saan higit 200,000 trabaho ang naghihintay sa ating mga kababayang job seeker.| ulat ni EJ Lazaro