Alinsunod sa naging panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang gabinete na mag-isip ng pamamaraan sa pagsugpo sa matinding traffic sa Metro Manila.
Magpapatupad ang Deparment of Science and Technology (DOST) ng flexible working engagements upang makabawas sa matinding trapik sa Metro Manila.
Ayon kay DOST Secretary Renato Solidum na kanilang ipatutupad ang naturang working scheme na kahalintulad ng kanilang ipinatupad nitong nagdaang pandemya.
Dagdag pa ni Solidum sa naturang work scheme ay skeletal work force, compressed work week at hinikayat din nito ang kanilang mga kawani na mag carpool upang mas kakaunti na lamang ang magdadala ng sasakyan sa bawat tangapan ng DOST sa bansa.
Sa huli, nagsasagawa na rin ang DOST ng mga mungkahi sa Pangulo upang masugpo na ang pagbigat ng daloy ng mga sasakyan sa Metro Manila.| ulat ni AJ Ignacio