Upang mas mapalakas ang oportunidad sa pagne-negosyo sa buong lalawigan ng Cebu partikular sa sektor ng turismo ay nagkaroon ng pagpupulong si Tourism Secretary Christina Frasco kasama ang Cebu Chamber of Commerce and Industry.
Sa naturang pagpupulong, ipinakita ni CCCI President Jay Y. Yuvallos ang kanilang intensyon na mamuhunan sa sektor ng turismo sa naturang probinsya upang mas mapayabong pa nito ang naturang sektor.
Ayon naman kay Tourism Secretary Christina Frasco, welcome sa kanila ang pagnanais ng nabanggit na organisasyon na mas palakasin pa ang sektor ng turismo sa Cebu.
Sa huli muling iginiit ni Frasco na buo ang suporta ng kanilang kagawaran para sa ikauunlad ng turismo at maging sa ekonomiya ng naturang lalawigan. | ulat ni AJ Ignacio
📷: DOT