DOE, nagpasalamat sa pribadong sektor na nakiisa sa energy conservation

Dahil sa patuloy na pagnipis ng supply ng kuryente sa Luzon at Visayas grid at pakikiisa ng pribadong sektor sa pagkokonserba sa kanilang mga establisyimento at opisina, nagpasalamat ang Department of Energy (DOE) sa ginagawang hakbang ng private sektor, upang makatipid sa supply ng kuryente ngayong patuloy ang ang yellow alert status sa dalawang malaking… Continue reading DOE, nagpasalamat sa pribadong sektor na nakiisa sa energy conservation

Mahigit P13-M na halaga ng shabu, nakumpiska sa ikinasang buy-bust operation ng PDEA sa QC

Aabot sa P13.6 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy-bust operation sa Quezon City. Ito ay nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang suspek. Ang operasyon ay isinagawa sa Cloverleaf Mall sa Balintawak, Quezon City. Kinilala ang mga arestado na sina Arnold Zaragoza Armamento, 49 taong… Continue reading Mahigit P13-M na halaga ng shabu, nakumpiska sa ikinasang buy-bust operation ng PDEA sa QC

Pondo para sa modernisasyon sa sektor ng agrikultura sa susunod na taon, planong itaas ng DA

Tinatapos na ng Department of Agriculture (DA) ang panukalang pondo ng ahensya para sa taong 2025 na mas mataas kaysa kasalukuyang budget. Layon nitong isulong ang modernasyon sa sektor ng agrikultura at pangingisda, upang masiguro ang food security at mapataas ang kita ng mga magsasaka at mangingisda. Sa isang pulong kasama ang mga pribadong sektor… Continue reading Pondo para sa modernisasyon sa sektor ng agrikultura sa susunod na taon, planong itaas ng DA

Party-list solon, nagpaabot ng pakikiramay sa 3 OFW na nasawi dahil sa pagbaha sa Dubai

Ikinalungkot ni OFW Party-list Representative Marissa Magsino ang pagkasawi ng tatlong overseas Filipino worker (OFW) dahil sa pagbaha sa United Arab Emirates (UAE). Kasabay nito ay ipinaabot ng mambabatas ang pakikiramay sa naiwan nilang pamilya. Batay sa ulat ng Department of Migrant Workers, dalawang babaeng OFW ang pumanaw dahil sa kakulangan ng hangin sa loob… Continue reading Party-list solon, nagpaabot ng pakikiramay sa 3 OFW na nasawi dahil sa pagbaha sa Dubai

Sen. Gatchalian sa CHED: Imbestigahan ang mga dayuhang estudyanteng nagbabayad para sa degree sa Cagayan

Hinimok ni Senador Sherwin Gatchalian ang Commission on Higher Education (CHED) na imbestigahan ang ulat sa pagdagsa ng mga dayuhang estudyante sa Cagayan. Base sa report, nagbabayad umano ang mga dayuhang estudyante ng hanggang P2 milyong para magkaroon ng degree. Ayon kay Gatchalian, bagamat sinusuportahan niya ang internationalization ng higher education institutions sa Pilipinas, mahigpit… Continue reading Sen. Gatchalian sa CHED: Imbestigahan ang mga dayuhang estudyanteng nagbabayad para sa degree sa Cagayan

Finance Sec. Recto, nanawagan sa financial institutions na agad na sumuporta sa developing countries sa kanilang paglago

Nanawagan si Finance Secretary Ralph Recto sa mga financial institution particular ang World bank (WB) at International Monetary Fund (IMF), na maging agaran ang kanilang pagtulong sa developing countries. Ginawa ni Recto ang pahayag sa kanyang pagharap sa Intergovernmental Group of Twenty-Four o G-24  bilang chair ng Board of Governors. Ayon sa kalihim, dapat paigtingin… Continue reading Finance Sec. Recto, nanawagan sa financial institutions na agad na sumuporta sa developing countries sa kanilang paglago

DTI, nakipagtulungan sa isang US company para sa pagapapalakas ng sektor ng ITBPM electronics at migrant workers

Lumagda ng isang partnership ang Department of Trade and Industry (DTI) katuwang ang US Company na Plug and Play para sa pagpapalakas sa sektor ng IT Business Processing Management ITBPM, Electronics at migrant workers sektor ng bansa. Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, ang kumpanyang Plug and Play ay magbibigay ng mga karagadagan kasanayan para… Continue reading DTI, nakipagtulungan sa isang US company para sa pagapapalakas ng sektor ng ITBPM electronics at migrant workers

CHED, nilinaw ang isyu kaugnay sa umano’y dumadaming bilang ng mga estudyanteng Chinese na naka-enroll sa mga paaralan sa Cagayan

Naglabas ng pahayag ang Commission on Higher Education (CHED), tungkol sa umano’y pagdagsa ng mga estudyanteng Tsino sa mga pamantasan sa Cagayan. Gayundin, ang kaugnayan nito sa tensyon sa West Philippine Sea. Ayon kay CHED Chairperson Prospero de Vera III, batay sa datos ng CHED Region 2, walang mga Chinese student na naka-enroll sa mga… Continue reading CHED, nilinaw ang isyu kaugnay sa umano’y dumadaming bilang ng mga estudyanteng Chinese na naka-enroll sa mga paaralan sa Cagayan

Desisyon ng Korte Suprema tungkol sa pagdiskwalipika ng Comelec sa Smartmatic, atrasado na — mambabatas

Sinabi ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na huli na ang inilabas na desisyon ng korte suprema na nagsasabing nagkaroon ng ‘grave abuse of discretion’ ang Commission on Elections (Comelec) sa pagdiskwalipika sa Smartmatic sa bidding para sa magiging service provider ng ahensya sa susunod na eleksyon. Ipinunto ni Pimentel na may pinasok nang kontrata… Continue reading Desisyon ng Korte Suprema tungkol sa pagdiskwalipika ng Comelec sa Smartmatic, atrasado na — mambabatas

ERC, mahigpit na binabantayan ang Red at Yellow Alert sa Luzon at Visayas Grid

Mahigpit na binabantayan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang power outages ng ilang generation company na nagresulta sa pagtataas ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Red at Yellow Alert sa Luzon at Visayas Grid noong April 16. Ayon kay ERC Chairperson at CEO Monalisa Dimalanta, kinikilala ng ERC na may malaking epekto… Continue reading ERC, mahigpit na binabantayan ang Red at Yellow Alert sa Luzon at Visayas Grid