DTI, nakipagtulungan sa isang US company para sa pagapapalakas ng sektor ng ITBPM electronics at migrant workers

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumagda ng isang partnership ang Department of Trade and Industry (DTI) katuwang ang US Company na Plug and Play para sa pagpapalakas sa sektor ng IT Business Processing Management ITBPM, Electronics at migrant workers sektor ng bansa.

Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, ang kumpanyang Plug and Play ay magbibigay ng mga karagadagan kasanayan para mas mapalakas pa ang mga naturang sektor sa ating bansa, upang mas mapakilala pa sa international market.

Dagdag pa ni Pascual na partikular sa artificial intelligence, at upang mas makasabay ang ating bansa sa paggamit ng naturang bagong technological advancement sa buong mundo.

Kaugnay nito, nasa US$10 billion ang pondo ng naturang partnership upang mas makatulong sa ikauunlad ng Pilipinas. | ulat ni Aj Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us