Hindi na umaasa ang Department of Transportation (DOTr) na may mga hahabol pa para sa Public Utility Vehicle Modernation Program.
Pahayag ito ni DOTR Undersecretary for Road Operations Andy Ortega, higit dalawang linggo bago matapos ang pinalawig na deadline para sa consolidation sa Abril 30.
Aniya, karamihan ng transport groups ay matagal nang pinagplanuhan at nagdesisyon sa PUV Modernization Program.
Inaasahan na lang ng ahensya na hahabol ay ang mga nag-aayos na lang ng dokumento.
Para sa DOTR, sapat na ang palugit na binigay ng pamahalaan.
Sapat na rin ang bilang ng mga nagconsolidate para tuluyang umarangkada ang first phase ng programa.
Batay sa datos,nasa 77.68% na ng mga PUV at 75.23% ng ruta sa buong bansa ang sumailalim sa consolidation program. | ulat ni Rey Ferrer