DOTr, MMDA, DILG at PNP, nagsanib-pwersa para paigtingin ang operasyon vs mga kolorum na sasakyan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsanib pwersa ang Department of Transportation (DOTr), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of the Interior and Local Government (DILG), at Philippine National Police (PNP).

Ito ay upang paigtingin ang operasyon laban sa mga kolorum na sasakyan.

Magkakasamang lumagda sa kasunduan sa Camp Crame sa Quezon City sina Transportation Secretary Jaime Bautista, MMDA Acting Chairperson Atty. Don Artes, Interior Secretary Benhur Abalos Jr., at PNP Chief General Francisco Marbil.

Sa mensahe ni Chairperson Artes, ikinatuwa nito ang naturang paglagda dahil madalas aniya ang kanilang mga traffic enforcer ay nabu-bully at naha-harass kapag nanghuhuli ng mga kolorum.

Ito aniya ay malaking hakbang para masugpo ang mga kolorum na sasakyan alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Sa panig naman ni Secretary Abalos, sinabi nitong ang operasyon ng kolorum ang pumapatay sa negosyo ng mga may lehitimong prangkisa.

Sinabi naman ni Secretary Baustita, na sa nilagdaang joint task force operation mas lalakas ang operasyon ng DOTr laban sa mga kolorum dahil sa tulong ng DILG, PNP, at MMDA.

Nabatid na una nang sinabi ng mga tsuper at operator na nasa 35% ang nawawala sa kanilang kita dahil sa mga kolorum. | ulat ni Diane Lear

Photos: MMDA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us