Mas pinaigting ng Department of Transportation-Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT) ang pagpapatupad ng batas trapiko sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at karatig na mga lalawigan.
Sa isinagawang operasyon ng SAICT sa EDSA Busway, sunod-sunod na nahuli ang mga sasakyan na hindi awtorisadong dumaan sa Busway.
Batay sa kabuuang report ng SAICT, umabot sa lima ang nahuli at tiniketan na mga pasaway na motorista.
Kabilang na rito ang apat na four wheels at isang motorsiklo.
Mahigpit na paalala ng DOTr na tanging awtorisadong mga sasakyang lamang ang papayagan na dumaan sa Busway kabilang ang mga ambulansya na may sakay na pasyente, lehitimong firetrucks, at PNP vehicles na mayroong urgent na operasyon.
Layon ng hakbang na ito na makapagbigay ng ligtas at maginhawang biyahe para sa mga pasahero ng Busway.| ulat ni Diane Lear