Binibigyang babala ng Department of Public Works and Highways – National Capital Region (DPWH-NCR) ang publiko ukol sa mga indibidwal na nagpapanggap bilang empleyado ng kanilang opisina.
Ayon sa pahayag ng DPWH-NCR, may mga manlolokong indbibwal kasi na nagpapakilala na si South Manila District Engineer Manny Bulusan kung saan sinasabing nanlilinlang ito ng mga contractor, kumpanya, at sa publiko para mahingi ng pera.
Pinag-iingat naman ng DPWH-NCR ang publiko laban sa mga mapanlinlang ng mga gawain tulad nito at laging i-verify kung totoo ba ang mga kumunikasyon sa pamamagitan ng mga official channel ng ahensya.
Inuudyok din ng DPWH-NCR na i-report sa kanilang tanggapan sa Office of the Regional Director-Public Affairs and Information Office ang mga ganitong gawain sa telepono bilang (02) 5305-2719 o tumawag sa DPWH hotling 165-02 o hindi kaya ay mag-iwan ng mensahe sa opisyal na Facebook Page para sa mabigyan ito ng karampatang legal na aksyon.| ulat ni EJ Lazaro