Drug den sa Angeles Pampanga, sinalakay ng PDEA at Naval Intelligence Security Group; Anim na drug personality, inaaresto

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinalakay ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – Region 3 at Naval Intelligence Security Group Northern Luzon ang isang drug den sa Angeles City, Pampanga.

Anim na drug suspects ang naaresto at abot sa Php 102 ,000 halaga ng illegal drugs ang nakumpiska.

Kinilala ang mga drug personality na sina: LawrenceGayola Obet, residente ng R.D. Reyes Street, Brgy. Lourdes North West, Angeles city, Pampanga at tumatayong maintainer ng drug den; Darwin Raymundo ng Brgy. Amsic Purok 4, Angeles City, Pampanga; Arjay Barnobal ng Zamora Street, Brgy. Lourdes North West, Angeles City, Pampanga; Norberto Fernandez ng Brgy. Lourdes North West, Angeles City, Pampanga; Jaypee Liwanag ng Brgy Lourdes North West, Angeles City, Pampanga; at Philip Salangad ng Brgy Lourdes North West, Angeles City, Pampanga.

Ayon sa PDEA, isinagawa ang operasyon sa pamamagitan ng buy bust operation matapos makumpirma ang operasyon ng drug den zlsa RD Reyes St., Brgy Lourdes North West ng nasabing lungsod.

Iniimbestigahan na ang mga drug personality at mahaharap sa kasing paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us