Bumabalangkas na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ang Committee on Child Early and Forced Marriage and Unions(CEFMU) ng isang unified campaign para maiwasan ang maagang pagpapakasal.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, katuwang ng DSWD ang United Nations Children’s Fund (UNICEF), United Nations Population Fund (UNFPA), civil society organizations tulad ng Oxfam Pilipinas, government agencies, at local government units.
Sabi pa ni Dumlao, nagsagawa na ng consultation workshop ang ahensya noong Abril 23-26 sa Surigao City upang ayusin ang model-building ng Child Protection Systems Strengthening(CPSS) para sa CEFMU.
Kaparehong workshop din ang isinagawa sa Sagada Mountain Province nitong Abril 15-18, kabilang dito ang kabataan, mga magulang, community leaders, at implementers.
Ang magiging resulta ng workshops ang siyang gagamitin upang makalikha ng model of intervention para sa CEFMU, pag-pilot test at pag-evaluate sa mga lugar kabilang na ang Cordillera Administrative Region, Eastern Visayas at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.| ulat ni Rey Ferrer