Magtatayo ng isang “Agricamp” ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa Children in Conflict with the Law (CICL) sa lalawigan ng Pampanga.
Makikipagpartner ang DSWD sa Bureau of Corrections (BuCor), at Pampanga State Agricultural University para maisakatuparan ang proyekto.
Sa ilalim ng kasunduan, magtatayo ang tatlong institusyon ng agricamp na magiging bahagi ng rehabilitasyon ng CICL sa lalawigan sa pamamagitan ng sustainable agriculture na sumasaklaw sa iba’t ibang aspeto ng pagsasaka.
Gaya ng naisip ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, ang agricamp ay mag-aalok ng vocational training at hands-on work experience para sa CICL.
Kasama dito ang sustainable food production habang inihahanda sila para sa reintegration sa kani-kanilang komunidad. | ulat ni Rey Ferrer