Magtatayo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng regional complex sa Magalang, Pampanga na gagawing rehabilitation center para sa mga kabataan at iba pang mga benepisaryo.
Kasunod ito ng paglagda ng DSWD at ang Department of Agrarian Reform (DAR) sa isang Deed of Land Transfer.
Ang nasabing DSWD complex ay itatayo sa loob ng limang ektaryang lupa na ibinigay ng DAR bilang donasyon.
Ayon sa DSWD, sa pamamagitan ng proyekto mas lalo pang makapagbibigay ng serbisyo ang ahensya sa mga marginalized at disadvantaged sectors sa pamamagitan ng planned Welfare Ville sa nasabing rehiyon.
Kabilang sa mga pasilidad na itatayo ay ang Reception and Study Center for Children (RSCC), Lingap Center, Trafficking in Persons’ Processing Center, at DSWD satellite warehouse. | ulat ni Diane Lear