Binuksan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang bagong processing center ng Pag-Abot program nito sa Pasay City.
Pinangunahan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang ceremonial blessing ng processing center sa anim na palapag na gusali sa Williams Street ng nasabing lungsod.
Ang ikalawang palapag ang gagamitin ng DSWD para sa reach out operations ng Pag-abot program.
Bukod sa processing center ng bagong Pag-Abot facility,
magsisilbi din itong temporary shelter para sa mga na-rescue na pamilya at indibidwal sa mga lansangan sa Metro Manila bago sila ihatid sa kanilang pamilya.| ulat ni Rey Ferrer