Nagkaloob ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng tulong pinansyal sa ilang dating rebelde at mga estudyante sa Zamboanga del Sur.
Pinangunahan ni DSWD Undersecretary for Inclusive-Sustainable Peace and Special Concern (ISP-SC) Alan Tanjusay, kasama si Zamboanga del Sur Governor Victor Yu ang isinagawang distribusyon ng ayuda sa Pagadian City nitong Linggo.
Ayon sa DSWD, aabot sa 163 dating rebelde ang tumanggap ng tig- P5,000 habang 2,500 na estudyante naman ang binigyan ng P6,000 educational aid.
Ito ay sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng ahensya.
Ang naturang AICS payout ay isinabay sa komemorasyon ng deklarasyon ng pagiging insurgency-free ng lalawigan. | ulat ni Merry Ann Bastasa
📷: DSWD