Sinisikap na ng Department of Social Welfare and Development na ipatupad sa buong bansa ngayong 2024 ang Project LAWA at BINHI.
Target ng DSWD na ipatupad ito sa 310 munisipalidad, kabilang ang mga urban center, at sa 61 probinsya sa 16 na rehiyon.
Nilalayon nito upang mabawasan ang epekto ng El Niño sa mga pinaka-mahina na sektor ng lipunan.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao,sa pamamagitan ng proyekto, matutugunan ang samu’t saring hamon na dulot ng kakulangan sa tubig at kawalan ng pagkain.
Inaasahang mahigit 140,906 na pamilya, o tinatayang 704,530 indibidwal,ang makikinabang sa 1,319 target water harvesting facility. Sasakupin nito ang hindi bababa sa 6,630 ektarya ng lupang agrikultural.
Una nang ipinatupad ang Project LAWA sa siyam na local government units sa Ifugao, Antique, at Davao de Oro provinces, na nagtatag ng 90 small farm reservoirs, na pinakinabangan ng 4,590 na pamilya noong 2023. | ulat ni Rey Ferrer