Upang mas mapalaganap ang kamalayan ng ating bansa sa Artificial Intelligence (AI) Technology sa Pilipinas.
Lumagda ng isang Memorandum of Understanding (MOU) ang Department of Trade and Industry (DTI) at ang Japanese firm na rinna Co., Ltd. para sa isang training partnership ng dalawang bansa sa AI sa Pilipinas.
Ayon sa DTI, layon ng naturang MOU na magkaroon ng kasanayan ang ating bansa sa naturang bagong teknolohiya na in demand sa buong mundo.
Isa aniya sa balak ng naturang Japan technology firm na rinna, na magtayo ng AI academy na magsasanay sa mga Pilipinong nais pag-aralan ang Artificial Intelligence.
Sa huli nagpasalamat ang DTI sa pagbibgiay ng naturang kumpanya sa Pilipinas, upang maksabay ang ating bansa sa naturang technological advancement sa buong mundo. | ulat ni AJ Ignacio