Nakipagpulong si Trade Secretary Alfredo Pascual kay Lithuaninan Foreign Affairs Minister GabrielIus Landsbergis para pag-usapan ang pagnanais na mamuhunan sa sektor ng pharmaceutical at aerospace sa Pilipinas.
Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, layon ng naturang pagpupulong na mapalakas pa ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa Lithuania partikular sa bilateral cooperation ng dalawang bansa at ekonomiya.
Dagdag pa ni Pascual, nais din ng Lithuania na matulungan ang Pilipinas upang mapayabong pa ang mga nabanggit na sektor at mas makilala ito sa international market.
Sa huli, nagpasalamat si Sec. Pascual kay Foreign Affairs inister Gabrielius Landsbergis na pagnanais na mamuhunan sa Pilipinas at makakaasa aniya ito ng mas magandang relasyon ng dalawang bansa. | ulat ni AJ Ignacio