Nagpaabot ng pagbati at mensahe ang Department of Trade and Industry (DTI) sa pagdriwang ng Araw ng kagitingan.
Sa isang mensahe, sinabi ni Trade Secretary Alfredo Pascual na nakikiisa sila sa pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan na gumugunita sa katapangan at sakripisyo na ipinamalas ng ating mga bayani.
Dagdag pa ng kalihim, na sa araw na ito kinikilala rin nila ang kontribusyon ng bawat nagnenegosyo. Sila ay mga bayani rin sa kanilang sariling paraan—sa pagpapapalakas ng mga industriya, paglikha ng trabaho, at pagpapaunlad ng ekonomiya.
Nawa aniya ay patuloy tayong magtulungan upang mapalakas pa ang sektor ng kalakalan at industriya, bilang pagpupugay sa ating mga bayani ng kahapon at ngayon. | ulat ni AJ Ignacio