Naglunsad ng Halal Firendly Philippines ang Department of Trade and Industry (DTI) sa Asia-Pacific region na naglalayon makakuha ng mga pamumuhunan sa iba’t ibang bansa sa Asia-Pacific region sa Halal sector.
Ayon kay Trade Secretary Aflredo Pascual na sa kanilang paglulunsad ng naturang investment promotions sa Halal industry ay magsasagawa sila ng Halal expo sa bansang Canada sa darating na Nobyembre ngayong taon.
Dagdag pa ni Pascual na target nitong makalikom ng P230 billion na Halal trade na makakalikha ng nasa 120 thousand na trabaho sa buong bansa.
Hangad naman ng DTI na mas mapalakas pa ang Halal industry sa bansa.| ulat ni AJ Ignacio