Hindi pinalampas ng deligasyon ng Pilipinas ang pakikipag pulong sa Google para magkaroon ng kolaborasyon dito ang bansa.
Ayon sa Department of Trade and Industry, mismong sina Pangulong Ferdinand R. MaRcos Jr. at Trade Sec. Alfredo Pascual ang nanguna sa naturang sideline meeting.
Dito ay binigyang diin ng Marcos Administration ang pagsusulong sa gumagandang sitwasyon ng hyper scaler at data center operations. Ito ay pawang mga cloud based computing at storage process.
Ang commitment sa naturang mga inisyatiba ay gagawin sa pamamagitan ng talent development at pagpapatupad ng mga magagandang polosia para protektahan ang intellectual property rights at data protection. | ulat ni Lorenz Tanjoco