DTI Secretary Pascual, nanawagan sa mga negosyante na lumikha ng Halal business sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa dalawang araw na Halal-Friendly Trade Fair 2024 na isinagawa ng Department of Trade and Industry (DTI) katuwang ng Quezon City Local Government Unit sa Risen Garden sa loob ng Quezon City Hall, Quezon City, inimbitahan nito hindi lang ang Muslim merchants kung hindi pati na rin ang ibang food and non-food partners nito, na sinisigurong Halal-Friendly ang mga ibinibenta o pwede sa mga Muslim.

Ayon kay DTI Secretary Alfredo Pascual, isang paraan aniya ang pakikiisa ng ating pamahalaan sa Muslim community, ay ang pagpapalakas ng pagsusulong ng usaping Halal sa ating bansa.

Dagdag pa nito, hinihikayat din ni Pascual ang bawat Pilipino na tangkilikin ang produktong halal dahil taglay nito ang isang malinis na proseso tulad ng certification pagdating sa pagkain na maituturing na very healthy. Aniya, di lang pagkain ang halal kundi nariyan din ang Halal cosmetics, RTWs at iba pang produkto at serbisyong pasok sa Halal.

Kaya’t panawagan ng kalihim, tulungan ang kanilang ahensya mapa-Muslim man o hindi upang mas lalong mapalago at mapalawak pa ang Halal industry dahil naniniwala sila na malawak ang market at malaki ang potensyal ng Halal sa Bansa.

Payo ng kalihim, mainam na magtayo ng mga Halal business ang mga indibidwal na nawiwili sa pagnenegosyo ng sa ganun ay makalikha rin ng trabaho para sa ating mga kababayan. | ulat ni Princess Habiba Sarip-Paudac

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us