Naghatid ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Las Piñas sa pangunguna ni ni City Vice Mayor April Aguilar at ng City Social Welfare and Development Office para sa mga estudyanteng may kapansanan (PWDs) noong Martes, April 2, sa Verdant Covered Court.
Ang pagpapamahagi ng mga gamit sa paaralan sa Barangay Pamplona Tres, ay sumasalamin sa pagpapahalaga ng lungsod sa pagbibigay ng edukasyon para sa lahat.
Nagpahayag ng suporta si Vice Mayor Aguilar sa programa at sinabing karapatan ng lahat ang makatanggap ng edukasyon.
Ang programang ito ay bahagi ng layunin ng lungsod na suportahan ang mga sektor na nangangailangan ng tulong.