Nanawagan ang Emabahada ng Pilipinas sa Lebanon sa mga Pilipinong nagtatrabaho at naninirahan sa naturang bansa na mag-ingat at iwasan na magtungo sa mga matataong lugar sa bansa dahil sa nangyaring airstrike sa Iranian Consulate at sa Syrian border kamakailan.
Ito’y matapos na bombahin ng isang unidentified aircraft ang konsulado nito sa Damascus na nagresulta ng pagkamatay ng isang military commander.
Ayon sa ating emabada na posibleng lumaki ang naturang kaguluhan kaya’t pinag-iingat ang ating mga kababayan sa naturang bansa.
Samantala, naka-high alert na ang Estados Unidos sa dahil sa posibleng pag-atake ng Iran sa Israel o maging sa American assets sa bansa.| ulat ni AJ Ignacio