Inatasan ng Office of Civil Defense (OCD) ang kanilang 17 Regional Office na makipag-coordinate sa mga Local Government Unit (LGU) para isulong ang “engineering solutions” kontra sa lindol.
Ayon kay OCD Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno bahagi ito ng kampanya para maiwasan ang malaking pagkawala ng buhay kung tumama ang “the big one”.
Hindi lang aniya dapat limitado sa pagsasanay ng “duck, cover, and hold” ang paghahanda, kundi maging sa pagpapatupad ng mahusay na engineering solutions kabilang ang striktong pagsunod sa structural code of the Philippines at mahigpit na pagbabawal sa pagtatayo ng mga straktura sa peligrosong lugar.
Base sa 2014 JICA at PHIVOLCS Study, nasa 30,000 hanggang 50,000 casualty ang inaasahan at mahigit 100,000 ang tinatayang lubhang sugatan kung magkaroon ng 7.2 magnitude na lindol sa Metro Manila dulot ng pagkilos ng West Valley Fault. | ulat ni Leo Sarne