Maituturing na isa na namang legacy project ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang expansion program para sa West Visayas State University Medical Center (WVSUMC) ayon mismo kay Speaker Martin Romuladez.
Kasama ng House leader si First Lady Liza Araneta Marcos sa ginawang groundbreaking ng WVSUMC expansion project na nilalayong tugunan ang lumalaking bilang ng nangangailangan ng serbisyong pangkalusugan at medikal sa Visayas Region at maging sa Mindanao.
“This facility is poised to become a critical hub for medical training, addressing the growing demand for healthcare professionals equipped to handle future health challenges,” ani Romualdez.
Ang WVSMUC ay maihahalintulad sa Philippine General Hospital na kilala sa kalidad at outstanding na medical training at service.
Kabuuang P2.57 billion ang panukalang pondo para sa smart at state-of-the-art 15-story tower complex.
Oras na maisakatuparan, magkakaroon ito ng 352 inpatient bed capacity.
Sisimulan ang Phase 1 ng konstruksyon ngayong Abril 2024 hanggang Agosto 2025.
Kasabay nito ay kinilala at pinasalamatan din ni Romualdez ang Unang Ginang para sa pagsasakatuparan ng legasiya ng administrasyong Marcos na nagbibigay pagpapahalaga sa buhay. | ulat ni Kathleen Jean Forbes