Dahil sa naipit sa dalawang araw na magkasunod na holiday, inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na suspendido ang “in-person” classes sa mga Public School bukas, April 8.
Dahil dito, sinabi ng DepEd na lilipat muna sa Distance Learning ang mga mag-aaral para nakumpleto pa rin nila ang mga kinakailangan sa kanilang klase.
Kasabay nito, hindi rin inoobliga ang mga School personnel na magtungo personal sa kanilang mga paaralan.
Ipinauubaya naman na ng DepEd sa mga administrador ng Pribadong Paaralan kung magpapatupad din sila ng kaparehong hakbang.
Una nang ipinabatid ng Palasyo ng Malacañang na deklaradong holiday ang April 9 (Araw ng Kagitingan) at April 10 (Eid’l Fitr). | ulat ni Jaymark Dagala