Nagdeklara ng suspensyon ng face-to-face classes ang General Santos City sa lahat ng mga pampubliko at pribadong paaralan dahil sa matinding init o mataas na heat index na nararanasan ang lungsod.
Base sa Executive Order No. 19 Series of 2024 na nilagdaan ni Gensan City Mayor Lorie Pacquiao, mas pinalawig pa ang f2f class suspension hanggang April 5, 2024 at gawin na lamang ang online class matapos inirekomenda ng Department of Education Division of General Santos City dahil sa matinding init na nararansan sa lungsod.
Ayon sa EO 19, bilang precautionary measure nais ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng General Santos na maiwasan ang posibleng risgo sa mga kabataan na maaaring maidulot ng matinding init.
Sa ipinalabas na tala ng DOST PAGASA nasa extreme caution ang lebel ng init sa GenSan City.| ulat ni Macel Mamon Dasalla| RP1 Davao