Inihayag ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro na muli nang naibalik at kontrolado na ng Marikina City Public Information Office (PIO) ang Facebook Page ng Pamahalaang Lungsod na Marikina PIO na na-hack noong nakaraang buwan.
Ayon kay Teodoro, ito na muli ang gagamiting na opisyal na FB page ng Lungsod ng Marikina upang maghatid ng mga importanteng balita, anunsyo, at serbisyo publiko.
Nagpasalamat naman si Teodoro sa National Bureau of Investigation, Philippine National Police-Anti Cybercrime Group, at Department of Information and Communications Technology-Cybercrime Investigation and Coordination Center sa kanilang tulong upang maibalik ang FB page ng lungsod.
Sa huli, hinikayat ng alkade ang publiko na i-like, i-share, at tumutok sa Marikina PIO FB Page para malaman ang mga opisyal na pahayag mula Pamahalaang Lungsod. | ulat ni Diane Lear