Hinikayat ni Finance Secretary Ralph Recto ang taxpayers na magbayad ng maaga ng kanilang income tax return para sa taong 2023 at gampanan ang kanilang makabayaning tungkulin sa pagtataguyod ng bansa.
Itinakda ng Bureau of Interna Revenue ang deadline ng ITR filing sa April 15, 2024.
Ayon kay Recto, wala na ngayong dapat ipagalala ang mga taxpayers dahil sa mas pinadali at pinabilis na sistema ng tax filing.
Panawagan ng kalihim, magbayad ng tamang buwis at iwasan ang late filing dahil may kaakibat na itong multa.
Binigyang diin ni Recto na mahalaga ang bawat buwis na siyang magpapatakbo sa ating ekonomiya.
Para ngayong taon.. nasa P4.3-billion ang target ng DoF na revenue collection—P3.05 -billion ay ang target collection ng Bureau of Internal Revenue (BIR). | ulat ni Melany Valdoz-Reyes