Kumpiyansa si Finance Secretary Ralph Recto na kayang makamit ng Department of Finance (DOF) ang kanilang misyon na maihatid ang ekonomiyang pakikinabangan ng sambayanang Pilipino.
Ito ang mensahe ni Recto sa kick-off ceremony ng ika-127th anniversary ng DOF.
Binigyang-diin ng kalihim na nararapat ang tauspusong pag-unawa at pag-intindi sa pangangailangan ng mga Pilipino na siyang sentro ng serbisyo-publiko ng mga kawani at opisyales ng DOF.
Ayon sa kalihim, batid niya ang kakayahan at kagalingan ng mga taga-DOF at umaasa itong sa ilalim ng kanyang pamumuno ay maibabahagi niya ang “may pusong” paglilingkod.
Inanyayahan din ng DOF chief ang mga staff na tignan ang positibong nagagawa ng kanilang trabaho para paunlarin ang bansa at bigyan ng maginhawang buhay ang mga Pilipino. | ulat ni Melany Valdoz Reyes