Fire volunteer na nasawi sa naganap na sunog sa Brgy Batis sa San Juan, ginawaran ng Medalya ng Kadakilaan ng BFP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bumisita ang mga opisyal at kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa burol ng fire volunteer na nasawi na si Chasper Kenneth Oliver sa St. John the Baptist Parish, Pinaglabanan, San Juan City.

Nasawi ang 25 taong gulang na si Chasper o CK habang tumutugon sa tawag ng tungkulin bilang fire volunteer. Kabilang din siya sa mga unang rumesponde sa sunog sa nasabing barangay noong Martes.

Kasabay ng pagbisita ay personal na iginawad ni BFP Director Louie Puracan ang Medalya ng Kadakilaan sa nasawing fire volunteer.

Ang Medalya ng Kadakilaan ay iginagawad sa mga tauhan ng BFP na nagsagawa ng mga mapanganib na rescue operation tulad sa mga aksidente, pagsabog, kaguluhan, at pagguho ng mga istraktura.

Nauna rito ay sinagot na ng San Juan LGU ang bayad sa ospital gayundin ang burol at pagpapalibing kay CK sa San Juan City Cemetery. Ito ay tulong na rin sa naulilang pamilya nito bukod pa sa tulong pinansyal. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us