Dinagsa ng may 1,298 benepisyaryo ng Food Stamp Program ang KADIWA ng Pangulo sa Delpan Sports Complex, at sa Barangay 123 sa Tondo, Manila kaninang umaga.
Sa ilalim ng Walang Gutom 2027: Food Stamp Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nagagamit ng mga benepisyaryo ang kanilang Electronic Benefit Transfer (EBT) cards sa pagbili ng mura at masustansyang pagkain.
May laman ang kanilang EBT Cards ng hanggang P3,000 na food credits para ipambili ng pagkain.
Ayon sa DSWD, nasa ika-4 na araw na ang redemption sa mga nabanggit na lugar sa Maynila.
Ang Food Stamp Program ay priority project ng Marcos Administration upang labanan ang kagutuman sa pamamagitan ng pagbibigay ng ng food augmentation sa mga kwalipikadong benepisyaryo. | ulat ni Rey Ferrer