Nakipagpulong si Benguet Representative Eric Yap sa Philippine Airforce upang matutukan ang sunod-sunod na forest fires sa naturang probinsya.
Katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan, bahagi aniya ito ng patuloy na paghahanap ng aksyon para pagtibayin ang forest fire suppression efforts.
Kasabay nito ay nag-donate din ang tanggapan ng mambabatas ng asin para sa cloud seeding.
Nakahanda rin aniya ang Mobile Tulong para magpaabot ng agarang assistance para sa mga komunidad na apektado.
Una nang inihain ni Yap ang House Resolution 1603 na layong tukuyin kung may sapat na kapasidad ang bansa sa pagtugon sa forest fires.
Tinukoy ng mambabatas na sa nakalipas na taon ay naitala ang iba’t ibang forest fires, gaya sa Cordillera Region dahil sa “kaingin” at tagtuyot lalo na sa pagitan ng Enero at Abril. | ulat ni Kathleen Jean Forbes