Itinutulak ni Makati Rep. Luis Campos Jr. na mailabas na ang P2.5 billion na halaga ng fuel cash subsidy para public transport drivers.
Kasunod ito ng serye ng taas presyo ng produktong petrolyo.
Ayon kay Campos, sa ilalim ng 2024 General Appropriations Law, inilian ng Kongreso ang trigger period para ma-activate ang fuel subsidy salig na rin sa atas ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Kung dati ay kailangan na 90 araw na tuloy-tuloy na nasa 80 US dollar kada bariles ang Dubai crude oil, sa 2024 GAA, ay ginawa na lang itong 30 araw para mailabas ang tulong pinansyal.
“Assuming the conditions that will trigger the grant of the subsidy have already been met, then we see no reason for any holdups in the distribution of the cash aid,” giit ni Campos.
Sa ilalim ng naturang programa, ang mga modern jeep at UV express drivers at makakatanggap ng P10,000 na tulong pinansya, P6,500 para sa mga bus, minibus, school bus, taxi, tradisyunal na jeep at ride-hailing services; habang P1,200 at P1,000 naman ang sa delivery riders at tricycle drivers. | ulat ni Kathleen Jean Forbes