Ipapatupad na ngayong taon ang ganap na implementasyon ng Project LAWA at BINHI (Local Adaptation to Water Access and Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished) sa Davao Region.
Ito ang inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office sa Region 9.
Ayon kay Karen Gayonan, tagapagsalita ng Project LAWA at BINHI, layon nito na isulong ang adaptation at mitigation ng mga epekto ng matinding tag tuyot sa local farmers sa pamamagitan ng cash-for-work at cash-for-training sa loob ng 20 araw.
Binigyang-diin ni Gayonan, na ang mga recipient ng programang ito ay hindi lamang mga benepisyaryo kung hindi mga katuwang na responsable sa pagpapanatili ng proyekto.
Sa ginanap na pilot implementation ng Project LAWA at BINHI, 30 farmers’ associations mula sa Munisipalidad ng Laak, Compostela, at Monkayo ang tumanggap ng hamon.
Sa ngayon, nagsasagawa ng strategic planning workshops ang DSWD Project LAWA at BINHI habang nakikipag-ugnayan sa local government agencies at sa iba pang potential implementing provinces. | ulat ni Rey Ferrer