Maagang ini-release ng Government Service Insurance System (GSIS) ang mga pension claim ngayong buwan.
Ayon kay GSIS President at CEO Wick Veloso ang mga retirement, disability at survivors pension ay kanilang inilabas nitong April 6 dahil sa mahabang holiday ngayong linggo na kinabibilangan ng selebrasyon ng Araw ng Kagitingan at Eid’l Fitr.
Dagdag pa ni Veloso na umabot sa P8-bilyon ang kanilang nairelease kada taon para sa buwanang pensyon ng nasa 580 libo na pensioners ng GSIS na nagretiro na sa serbisyo sa paglilingkod sa pamahalaan.
Maari nang mai-check ng mga pensioners ang kanilang mga atm accounts upang ma wIthdraw na ang kanilng mga pension.| ulat ni AJ Ignacio