Sumampa na sa P32.44 bilyon ang kabuuang halaga ng mga iligal na drogang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ayon sa PDEA, nagmula ito sa higit 61,800 anti-drug operation nito mula Hulyo 1, 2022 hanggang katapusan ng Pebrero 2024.
Nangunguna rito ang nasabat na shabu na umabot sa 4.353 kilo, 50.51 kilo ng cocaine, higit 54,000 piraso ng ecstasy at 3,589 kilo ng marijuana.
Kaugnay nito, umabot na rin sa 5,691 ang mga nahuling high value individual.
Samantala, nasa 28,330 na rin ang mga idineklarang drug-cleared na barangay sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa