Halos 26,000 na mga pamilyang benepisyaryo, naka-graduate na sa 4Ps Program ngayong 1st quarter ng 2024

Facebook
Twitter
LinkedIn

Halos 26,000 na mga pamilyang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa buong bansa ang umalis na o naka-graduate na sa programa matapos na mapabilang sa self-sufficiency status.

Ito ang inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung saan ang nasabing bilang ay base na rin sa datos ngayong unang quarter ng taon.

Ang 4Ps graduate ay kinilala sa ginanap na ‘Pugay Tagumpay’ graduation and exit ceremonies sa iba’t ibang DSWD Field Office, katuwang ang local government units (LGUs).

Ayon kay DSWD Co-Spokesperson Asst. Secretary Dumlao, ang ‘Pugay Tagumpay’ ay maituturing na komendasyon sa mga benepisyaryo na napabuti ang buhay dahil na rin sa programa ng ahensya sa tulong na rin ng ilang partner stakeholders.

Ayon kay Asec. Dumlao, ang mga household beneficiary na tinatayang nakamit na ang self-sufficiency status kasama na ang mga nagboluntaryong umalis na mula sa programa ay nai-endorso na rin sa mga local government unit (LGU) na kanilang nasasakupan upang mapanatili na mabuti ang kanilang kalagayan.  

Ang 4Ps ay isang flagship program ng gobyerno na naglalayong maiangat ang buhay ng mga mahihirap nating kababayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong sa pag-aaral ng mga kabataan, nutrisyon at kalusugan. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us