Inaasahang magpapatuloy ang mataas na lebel ng heat index o damang init sa maraming lugar sa bansa ngayong araw kabilang ang Metro Manila.
Base sa heat index forecast ng PAGASA-DOST, kabilang sa mga posibleng makaranas ng hanggang 44°C o ‘dangerous level’ na heat index ang apat na lalawigan sa bansa.
Kabilang dito ang Dagupan City, Pangasinan; Ambulong sa Tanauan Batangas; at ang bahagi ng Puerto Princesa at Aborlan sa Palawan.
Bukod dito, nasa 12 lugar din ang posibleng makaranas ng 42-43 °C.
Dito sa Metro Manila, posibleng magpatuloy naman sa 40-41 °C ang heat index ngayong miyerkules.
Una nang ibinabala ng PAGASA na mas titindi pa ang init na mararamdaman sa bansa pagdating ng buwan ng mayo. | ulat ni Merry Ann Bastasa