Ilalaan ng National Food Authority (NFA) ang ₱10 billion na approved budget nito sa pagtatayo ng mga kinakailangang pasilidad sa pagsasaka, tulad ng post-harvest facility, warehouses, dryers, milling facility, at silos.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, ipinaliwanag ni NFA Director Lary Lacson na dapat ay nasa 495, 000 metric tons ng ani o palay ang kapasidad ng bansa.
Sa kasalukuyan, nasa 31,000 metric tons lamang ang kapasidad ng Pilipinas at ito mismo ang tinutugunan ng pamahalaan sa ngayon.
Bagama’t kulang pa aniya ang pondong ito, sa oras na matapos ang mga itatayong pasilidad, inaasahan na magbibigay ito ng karagdagang 150, 000metric tons capacity mula sa drying facilties at 120, 000mt. naman mula sa milling facilities. | ulat ni Racquel Bayan