Tinatayang aabot sa 204,818 local job vacancies ang naghihintay sa mga job seeker na lalahok sa isasagawang simultaneous nationwide job fair ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa selebrasyon ng ika-122 Araw ng Paggawa sa Mayo 1.
Ayon kay DOLE Secretary Bienvenido Laguesma, ang mga nasabing bakanteng trabaho ay magmumula sa 2,441 participating employers. Maliban pa dito ang nasa higit 41,000 overseas employment opportunities mula sa 81 employers.
Sa buong bansa, nasa 95 venues isasagawa ang mga job fair na pangungunahan ng 16 na regional offices ng DOLE.
Tulad ng mga nakaraang job fair, inaasahan din na may mga ilang lalahok na makabilang sa HOTS o yung mga maha-hire on the spot.
Samantala, pinaalala rin ng DOLE ang libreng sakay sa LRT-2 at MRT-3 na ibibigay sa mga manggagawang papasok sa May 1.
Magpakita lamang ng company ID at maaari nang maka-avail ng libreng sakay sa mga nasabing linya ng tren mula 7:00 hanggang 9:00 ng umaga at pagsapit naman ng 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.| ulat ni EJ Lazaro