May 364 Persons Deprived of Liberty na mga matatanda at may karamdaman ang inilipat na sa bagong Quezon City Jail sa Payatas sa Lungsod Quezon.
Ang paglilipat sa mga PDL ay inisyatiba ni Quezon City Jail Warden JSupt. Warren Geronimo at mga opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Ang bagong pasilidad ay may lawak na 2.4 na ektarya at may kakayahan para ma- accomodate ang higit pang 3,000 PDL sa lumang jail facility.
Nauna nang itinurn-over ng Quezon City government sa BJMP ang bagong pasilidad. Kaya lang hindi pa ganap ma-okupahan dahil on-going pa ang konstruksyon ng perimeter fence.
Kaugnay nito, nagpasalamat ang pamunuan ng QCJMD kay Quezon City Mayor Joy Belmonte dahil malaking kaginhawaan para sa mga PDL ang bagong pasilidad lalo na sa problema ng pagsisikip sa lumang QC Jail. | ulat ni Rey Ferrer
📸: QC LGU